Rubiks

bukas na..

anong oras na ‘oh..

riddler

sitting in the corner of the sofa

her eyes, teary 

 my heart, throbbing.

The scene was heavy that my mind is doubting

if his fellow, the heart can take it..

How can be a thing made of pixels

can make my sanity struggle

is it because the pixelated, kaleidoscopic world

that I see, was actually a real image of me?

or is it just the riddle given

by the image, all of a sudden..,

“please say the 3 words with 8 letters..”

my grief is within

the room’s four corners..

slinkies

down you go the stairs,

                clasping and ringing

how funny it was to see

                for a helpless being like me

silly slingkies yet so far

                here I am waiting

will you please don’t stop

               by the time my hands meet

your last step down my feet..

Registration Form

“Tomorrow, they would break her legs..”

..

Matagal na ng huli ko syang makita. Ilang buwan na nga ba? lima? anim? hinde, pito. Matamis at napakasaya ng huli naming pagsasama. Parang walang balakid, walang problema. Napakasakit isipin na iyon na pala ang kahuli-hulihan..

“Oi Yuna, ano  na namang kagagahan yan?!”

“Ha..ha??.”

“Ewan ko kung anong tinira mo, pero putang’na girl, adik ka talagaa. Tulala ka na naman!”

“Eh,..puyat lang ako,.sorry naman..”

“Hmm..Oh, may nagaabang na naman sa’yo na mga guys sa labas ng classroom..labasin mo kaya?”

“wateber..manigas sila dyan..”

 —-

Minsan, pag blue ang buwan, may narereceive akong messages mula sa kanya. Conspiracy kaya yun? Pinapasakitan ba ‘ko ng mokong na ‘to? Sa tuwing nangyayari yun, gustong kumawala ng puso ko. Natatakam sa isang butil ng pag-asa..Ngunit, bigla akong nauuntog sa katotohanan.,masakit na katotohanan. Tanging sinasabi ko na lang sa sarili ko na hindi ako masokista..-isang leksyon ng utak sa puso..Kaya ayun, sa basurahan ang tuloy ng mga mensaheng di ko na tinangkang basahin. Simula ng “iwan” nya ‘ko, pinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang sarili ko. Yung tipong gagawin kong “better” para naman sa susunod na magkita kami, magsisisi sya kung bakit nya ‘ko iniwan sa ere.

..Ngunit, pitong buwan na ang nakakaraan, Heto nga ako, nakamit ang inaasan kong pagbabago. Modelo na ‘ko ngayon. Teen Model. So, ano na ang mangyayari? Inaamin ko na hindi ko na ata kaya pang makita sya. At isa pa, wala ng pagkakataon na magkita pa kami. Meron na siguro syang iba. Nakalimutan na nya ako, isa na lang akong larawan na kumupas at naisama sa baul ng kawalan.. Ewan ko..Ewan ko.

Asa pa ‘yang mga ‘yan saken..hmp.”

—-

Yuna_is_love: Bakit??

drummerboi_03: Nahihirapan na ‘ko eh, di na nagwowork ang relasyon natin..

Yuna_is_love: Ha? okay naman tayo ah?

drummerboi_03: hinde eh, nahihirapan na ‘ko..basta..

Yuna_is_love: Hindi kita maintindhihan!!!

drummerboi_03: let’s just be friends..

Yuna_is_love: Gago ka ba?!! sa tingin mo okay sakin yun? matapos ng lahat ng nangyari saten?? umabot tayo ng 2 taon..2 taon Evan..tapos bigla ka na lang ganyan??!!

drummerboi_03: Yan ang ayaw ko sa’yo eh..Nagmumura ka na naman..Eh kasi, yung mommy mo.. hirap pakisamahan..basta..nahihirapan na ‘ko

Yuna_is_love: May iba ka na ba?

drummerboi_03: Wala..

Yuna_is_love: Mahal mo pa ba ako?

drummerboi_03: umm.. mahal pa ren..

Yuna_is_love: oh ayun naman pala eh!!..please, don’t be like this evan..Ayoko….

drummerboi_03 is now offline

Yuna_is_love: kung mahal mo ‘ko kakayanin mo kung ano man yang hirap na nararanasan mo.. I can’t see any problem between us..please..

Yuna_is_love: BUZZ!!!

Yuna_is_love: Evan.. Okay. I’ll give you some space.. think about it. Nandito lang ako.. Hihintayin kita.

Yuna_is_love: I love you so much.. Take care always..

Yuna_is_love: Sana Okay na tayo bukas..maghihintay ako…….

—-

Napanaginipan ko na naman sya kagabi.. Putakte.. Kelan ko ba sya makakalimutan? I’m such a fuckin’ looser. Try ko kaya sagutin si Leon? yung taga Ateneo.. o si Andre kaya?..yung anak ng may-ari ng Andrean Hotel and Resort?.. Ayoko. Siya lang talaga. Pero, hanggang kelan ako magpapakatanga?

“Yuna? ikaw ba yan? Oh my gosh..muntik na kitang di makilala..”

putek..Ano? compliment ba ‘to? Si Mai yun..classmate at bestfriend ko nung Highschool.. classmate din nya si Evan..

Hey Mai..kamusta?! Namiss kitang bruha ka!”

“Eto, hirap na hirap sa Accounting..kaw? kamusta Advertising?”

“Okay lang..Masaya..hehe”

“Wow..you’re so beautiful..”

Model na ‘ko..hehe..sinwerte at naqualify..”

“Oh??!! shocks! ansaya mo naman! buti pala at nakita kita. Invited tayo sa silver anniv ng Saint Bene..punta ka dun next week..”

“ay oo nga pala no,.umm..we’ll see..”

“pumunta ka! dun lang ulet tayo magkikita-kitang mga HS friends..nandun si Rocky, yung pogi na kabatch naten..Saka si Einel Va..ay sorry..”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Einel Van, Evan for short. Makikita ko sya? Omygad. Now, I have the real dilemma of going to the anniv celebration.

“Sus..wala yun no..”

“Basta..pumunta ka ha..promise me..”

“Ummm..baka kasi..”

“ay..walang baka baka..basta magtatampo ako sa’yo pag di ka pumunta..”

“ugh..okay. I’ll surely come. Promise yan friend.”

“good!”

Tinanaw ko habang papalayo ang aking matalik na kaibigan. Para sa’kin, isang hibla si Mai na nagdudugtong samin ni Evan.. Eh lahat ng kasama kong namuhay sa mataas na paaralan ay itinuturing kong pisi na nagkakabit saming dalawa.. Lahat..lahat. Kaya kulang na lang ay pati sila ay nadamay ng biglang napatid ang tali sakin at sa lalaking minahal at patuloy kong minamahal..

—-

“Are you really going to St. Bene or not?”

“Ugh..tinatamad ako Bru..”

“Ayan ka na naman ate. Pumunta ka na kaya. Sus..si Evan lang yun no..”

“Eh..kahit na..”

“Baliw ka talaga dun. Ano bang meron yung komang na yun?”

“Stop calling him komang ugh..”

“You’re crazy. If I’m on your shoes ate, nako..pupunta ako sa St. Bene ng bonggang bongga. I mean, look at you..Ansaya kaya na you’ll make him regret what he has done to you..”

“sabagay..pero..eeehhhh…!!”

“haynako..bahala ka na nga..”

—-

..walang pinagbago dito sa school. I feel like I was in High school again. But Arrrghh..kabado talaga ako. I don’t know what to act pag nagkita na kami ng mga friends ko. Lalong lalo na pag nakita ko yung komang..este yung guy na yun. Hayss..Yuna..be calm. Cool lang..steady lang..don’t blunder..

“Yuna!!..Uiiiiiiii!!!”

sino yun? Lumingon ako.. then I saw yung mga closest HS friends ko. Shets. Biglang nagboost up ang energy ko..

“Oi! mga putangina nyo!..antataba nyong lahat!! bwahahahaha!!!..”

okay.. Ayan na..Lumabas na ang tunay na ako. Yung over sa pagiging siga, barahubal ang kilos, badmouth..Well, wala naman akong magagawa kung ganun talaga ako,.All I know is that I’m so happy to see them again!..

“Woah..ikaw ba yan? putcha..ah..nasan po yung totoong Yuna?”

“Mga loko.. Ako talaga ‘to mga ulul!”

“shakis..ang ganda mo!! nakakainsecure..”

“dati pa akong maganda at dati pa talaga kayong insecure saken! wahahaha!!”

Batok lang ang natanggap ko dun sa huli kong sinabi. It’s good to be back! Nakalimutan ko ang lahat ng pasakit na nararamdaman ko..

“oi..dun tayo kina Echo.. nandun ang buong barkada..kala namin di ka pupunta..”

“sus,..ako pa. Excited nga ako eh..”

….Sinungaling ko talaga. Parang kanina lang ayuko pang pumunta.. Nagmamaasim na tubo pa ‘ko eh nu.. Pero ngayon, napalitan na ng sobrang kasiyahan at excitement.

“O wait..susunod ako sa inyo. daan muna ako sa classmroom ng utol ko para mang-asar..”

“o sige..pagbutihan mo..”

—-

Papunta na ‘ko sa lugar na sinabi nung friends ko.. Naririnig ko na ang ingay ng buong barkada. Omigash. Tutuloy ba talaga ako? Kaya ko ba? Teka teka..Ano ba!? Kaya ko ba na ano? ..na makita sya? hmmp!! naiinis na ‘ko. This is making me crazy. Magpapakita na ‘ko para matapos na ang mga kagagahan ‘kong ‘to. Sus. Ako lang naman ang may problema eh.. Gago ko naman oh.. Okay. This is it…

Woah..Evan!! putcha ka ang payat mo! adik ka ba??!!”

“Hinde no..gwapo pa ren naman ‘to no..hart trab!”

napatigil ako sa paglalakad. Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Ilang hakbang na lang para mameet ko ang gazeebo na kinalululanan ng barkada..eto na naman.. Waaahh.. op..wait. Pumayat sya? bakit? sabi ko na wag sya magpapalipas ng gutom..ang yabang pa rin nya talaga..kapal ng fez—ay tama na nga! nababaliw na ‘ko.. time to show up.Lumabas na ‘ko dun sa may dulo ng hallway na nagle-lead sa gazeebo. I face them with my cute smile-putcha..cute ba? o pilit? howell,..bahala na..

“Oi..si Yuna..”

Nafeel kong natahimik sila. A. Dahil ba malakas ang arrive ko? B. Dahil ba anghel ako at natahimik sila dun?  C. Dahil ba inaakala nilang multo na ‘ko? D. All of the Above or E. None of the above. ??? Putcha..kakailang ng ganitong moment. Nakuha ko pang magpaka-game show host. Pinagpasyahan ko na lang na mauna nang magsalita..

“He..hello..Kamusta..he.he..”

para namang snap yung lame greeting ko at ayun isa-isa silang nakarekober. Parang nakasaksi ng before and after na eksena sa commercial ng Xenical ang mga friends ko. Puteks.. Ganun ba talaga pag matagal na nawala parang kakarampot na pagbabago eh isang vital strike na?? Anyweys..Napalingon sya sakin. Magkasunod yata kaming dumating. Nasagasaan ko ata ang arrive nya dahil nabuhos sakin ang atensyon. Ayun..Nung magmeet ang mga eyes namen..I showed him an expressionless face. Kalmado. Walang bahid ng affectedness.. pero deep inside, waaahh..ayuko na!!! retreat! retreat! ang drama ‘ko..

“Yuna!! yey! nakapunta ka ren! long time no see!!”

“o..Oo nga eh..he.he..”

Kahit papano ay nakakasurvive ako sa eksena. Buti na lang at nandyan ang mga makukulet na friendsters ko at  sabi ng sabi kung gaano nila ako namiss..blah blah blah.. Mga compliments, mga kamustahan, mga tawanan..eklavoos.. PERO..sa gilid ng mga mata ko.. Nakikita ko sya. Di ko alam kung ano ang nasa isip nya pero sa tingin ko ay di nya na talaga ako balak na pansinin. Alam kong nagulat sya sa kung ano ako ngayon pero mukha talagang wala na.. Awts. Sakeet.. Putang’nang damuho ‘to. Bahala na.. I’ll be just my self. Yung happy-go-lucky at free spirited. Mangaasar na lang ako…

“Oi..may iba dyan na di namamansin..”

“sino?”

hininaan ko ang boses ko at sinabi ang surname ni Evan.

“Arevallo..? ah!..si Evan? uii..”

“ssshhh..sus..kamusta na kaya yan??”

Aww..ansakit na ng puso ko..bakit ba di nya ‘ko pinapansin. Ansakit magpanggap na Okay. Pero eto na lang ang natatangi kong marapat na gawin. Wala na eh..

“Galit ata yan sa’yo eh..”

…..

Ano?????!!! si Evan galit saken? after all those pain he gave me?? sya pa ang galit? Ugh..

“HaAaa??”

nagroll eyes ang kausap ko.. nag gather ang mga girlfriends ko at bumwelo sa pasabog na ilalathala..

“Anukaba..Diba dahil kay Junio?”

“si..si Junio????!! ano kinalaman nun?”

“ano??? di mo alam? sabi ni Evan yun daw ang dahilan kung bakit sya nakipagbreak sayo..”

“wait..I don’t get it.. Si junio? the reason of our break-up? putek! buti kayo alam nyo?! ako di ko nga alam eh..”

“OMG..sabi ni Evan na mas gusto mo daw yung Junio from your new school kaya he let you go..”

Okay. What the fuck to the Nth power. Di ko alam ang irereact. Pero all I feel is galit. Sa buong pitong buwan na iyon ay di ko man lang namalayan ang tunay na dahilan? AT higit sa lahat.. Ako pa ang naging masama..I stand up.. Minanage ko na ngumiti..Nilakasan ko ang boses ko enough for him to hear what I’m going to say.

“Ahhh..si Junio?? Sus..Putang’na naman oh..Eh mujer yun eh..bading!! he’s gay..homo, belongs to the 3rd sex..whatever you call it!!..He’s only my freakin’ friend. Nakakatawa naman kayo to JUDGE us to be LOVERS..ambobobo nyo naman!!!!..”

 

 

 

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!